Nakatakdang dumating sa Beijing sa Marso 3, 2016 ang unang cold-chain cargo train na may lulang mahigit 200 toneladang seafood galing sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Lumisan ang tren nitong nagdaang Linggo, Feb. 28 ng Beibu Bay ng Guangxi, isang pangunahing puwerto sa dakong timog-kanluran ng Tsina na nakikipag-ugnayan sa mga bansang ASEAN.
Ang nasabing cargo tren na binubuo ng siyam na bagon ay may temperaturang -18℃ hanggang -20℃ para manatiling sariwa ang mga seafood.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio