Isinalasaysay kahapon ni Wang Yi, Direktor ng Sentro sa Kargamento ng Kawanihan ng Daambakal ng Nanning, Punong-lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa dakong timog-kanluran ng Tsina, na naging maayos ang trial operation ng cold-chain transportation sa pagitan ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Noong ika-9 ng buwang ito, ang espesyal na cold-chain train na may limang lulang container ng dragon fruit mula sa Biyetnam at tatlong container na puno ng saging mula sa Guangxi ay lumisan ng Chongzuo Station ng Guangxi. Dumating ito ng Dahongmen Train Station ng Beijing noong ika-11 ng buwang ito.
Sa pamamagitan ng cold-chain transportation at logistics, iniimpok at inihahatid ang kargamento na gaya ng mga sariwang produktong agrikultural at seafood, sa kontroladong temperatura.
Salin: Jade