Ayon sa Xinhua News Agency, ipinatalastas kamakalawa, Pebrero 29, 2016, ni Datuk Seri Mahathir Bin Mohamad, dating Punong Ministro ng Malaysia, na dahil lubos ang kanyang disgusto sa United Malays National Organization (UMNO), naghaharing partido ng Malaysia, ipinasiya niyang talikuran, kasama ng kanyang asawa, ang partidong ito.
Sa isang news briefing na idinaos nang araw ring iyon sa Putrajaya, administratibong kapital ng Malaysia, sinabi ni Datuk Seri Mahathir Bin Mohamad na "ang UMNO ay nagsisilbing isang partidong sumusuporta at nangangalaga lamang kay Najib Tun Razak. Aniya, "hindi ito ang dating UMNO, kaya dapat kong talikuran ang UMNO."
Salin: Li Feng