Sinipi kamakailan ng "Bangkok Post" ang impormasyon mula sa hukbong panlupa ng Thailand na nakasaad na noong isang linggo, bumiyahe sa Rusya si Prawit Wongsuwan, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Thailand. Sa panahon ng kanyang pagdalaw, bagama't hindi narating ng dalawang panig ang anumang kasunduan ng arms procurement, sinang-ayunan ng dalawang bansa na palakasin ang kanilang kooperasyon sa larangang pansiyensiya't panteknolohiya na gaya ng military technology. Bunga nito, posibleng bibilhin ng Thailand ang mas maraming sandata mula sa Rusya, partikular na ang mga tangke.
Bukod dito, ipinahayag ng panig Ruso sa panig Thai ang intensyong itatag ang military factory sa Thailand. Tungkol dito, ipinahayag ni Prawit na kinakailangan pa rin ang ibayo pang pagtalakay. Ngunit, nananalig siyang ang mungkahing ito ay makakapaghatid ng benepisyo sa Thailand sa larangan ng siyensiya't teknolohiyang militar.
Salin: Li Feng