Beijing, Tsina—Idinaos dito Miyerkules ng hapon, ika-2 ng Marso 2016, ang news briefing ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC). Nang sagutin ang tanong na may kinalaman sa isyu ng South China Sea (SCS), ipinahayag ni Wang Guoqing, Tagapagsalita ng naturang sesyon, na dapat maging karagatan ng kapayapaan, pagkakaibigan at kooperasyon ang South China Sea.
Dagdag pa ni Wang, ang isyu ng South China Sea ay hindi dapat magsilbing katwiran at paraan ng ilang bansa para sa pagpigil sa pag-unlad ng Tsina.
Salin: Vera