|
||||||||
|
||
NILILINIS na ang tubig na mula sa Laguna de Bay at ibinabalik na sa Metro Manila Waterworks and Sewerage System upang magamit ng mga concessionaire sa kalakhang Maynila.
Magugunitang sinabi ni Engr. Jorge Estioko ng National Water Resources Board na nagkakaroon na ng recycling ng tubig mula sa pinakamalaking lawa sa Pilipinas upang mapunuan ang kakulangan sa tubig sa lumalaking populasyon.
WATER TREATMENT SA LAGUNA DE BAY, NAGSIMULA NA. Nagsisimula na ang water treatment mula sa Laguna de Bay, ang pinakamalaking laws sa Pilipinas upang matugunan ang pangangailangan ng dalisay na tubig sa Metro Manila at kalapit-pook. Ito ang sinabi ni Guenter Taus, panful ng JEC Philippines at European Chamber of Commerce of the Philippines sa isang panayam. Sa oras na matapos ang kanilang bagging plants, makapaglalabas ito ng 150 milyong litro ng tubig bawat araw. (Melo M. Acuna)
Sa isang panayam kay Guenter Taus, pangulo ng JEC Philippines at European Chamber of Commerce of the Philippines, mayroon na silang ilang proyektong sangkot sa paglilinis ng tubig mula sa Laguna de Bay.
Ginagawa na nila ang pinakamalaking pasilidad na maglalabas ng dalisay ng tubig na aabot sa 150 milyong litro sa bawat araw upang maidagdag sa tubig na gagamitin ng mga taga-Metro Manila at kalapit pook.
Sa kakulangan ng tubig mula sa mga bukal, ang paglilinis ng tubig mula sa lawa at may kamahalan. Dahil sa kakapusan ng pinagkukunan ng tubig, lumalabas na mapakikinabangan ang kanilang ginagamit na teknolohiya.
Ipinaliwanag pa ni G. Taus na hamak na mas mura ang kanilang ginagawang paglilinis o water treatment kaysa ginagawang desalination o pag-aalis ng alat sa tubig mula sa karagatan. Sa oras na lumabas ang treated water sa kanilang planta, magagamit na ito ng mga mamamayan sa iba't ibang kagamitan.
Ani G. Taus, ang desalination ang pinakamalawak na paraan ng paglilinis ng tubig para sa mga tao.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |