Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong country director ng World Bank sa Pilipinas, hinirang

(GMT+08:00) 2016-02-29 18:15:22       CRI

BAGONG WORLD BANK COUNTRY DIRECTOR, HINIRANG NA.  Magsisimula bukas sa kanyang bagong tungkulin si Bb. Mara Warwick, isang Environmental Engineer billing country director ng World Bank.  Siya ang kahalili ni Motoo Konishi na nagbitiw kamakailan matapos ang 35 taong paglilingkod sa World Bank.  (World Bank Photo)

MAGSISIMULANG maglingkod bukas bilang country director ng World Bank sa Pilipinas si Ms. Mara K. Warwick.

Isang environmental engineer, si Warwick ay dalubhasa sa flood management, urban development, urban environmental services at disaster risk management. Lumahok siya sa World Bank noong 2003.

Isang Australian national, si Bb. Warwick ang kauna-unahang babaeng mamumuno sa World Bank sa Pilipinas na kapalit ni Motoo Konishi na nagbitiw kamakailan matapos ang 35 taong paglilingkod sa bangko.

Mamamahala si Bb. Warwick sa lumalaking portfolio ng mga proyekto na sumusuporta sa layunin ng bansang isulong at mapanatili ang inclusive growth na nagbabawas ng bilang ng mahihirap at nagkakaroon ng mas marami at mabuting uri ng hanapbuhay.

Mula noong 2003 hanggang 2009, si Bb. Warwick ang namahala sa mga proyekto sa water supply, wastewater, solid waste at flood management sa Tsina at sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Bb. Warwick na isang malaking karangalan ang maglingkod sa Pilipinas upang matugunan ang kahirapan at maisulong ang kaunlarang nakalaan para sa lahat.

Bago siya nahirang sa Pilipinas ay naglingkod siya bilang Portfolio and Operations Manager para sa Tsina, Mongolia at Korea na may tanggapan sa Beijing.

Nakatulong siya sa pamahalaang Tsino sa pagpapalawak ng mga programa at proyektong kinabibilangan ng climate change mitigation at adaptaion, rehabilitation ng contaminated land at maging social service reform.

Mula 2010 hanggang 2012, si Warwick ay sector coordinator para sa Sustainable Development sa Ankara, Turkey at nakipagtulungan sa development policy at investment lending sa energy, environment, urban at rural development, transport at social development, kabilang na ang health education sectors sa Europa at Central Asia.

Isa siyang private sector consultant engineer bago naglingkod sa World bank. Natanggap niya ang kanyang Bachelor in Civil Engineering mula sa University of Adelaide sa Australia at ang kanyang M. S. at Ph.D. sa Environmental Engineering mula sa Stanford University sa Estados Unidos.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>