Ipinatalastas nitong Huwebes, Marso 3, 2016, ni Maung Maung Thein, Presidente ng Securities and Exchange Commission(SECM) ng Myanmar na nakatakdang magsimula ng securities trading ang Yangon Stock Exchange (YSE) sa ikatlong linggo ng Marso.
Sa kasalukuyan, ang mga mamumuhunang taga-Myanmar lamang ang maaaring magbukas ng account sa YSE at ang Kyat (salaping Myanmar) lamang ang maaaring gamitin sa trading. Pero, binabalak ng SECM na magbukas sa mga mamumuhunang dayuhan sa hinaharap.
Isang security member na nakatayo sa labas ng Yangon Stock Exchange na nakabase sa Yangon, Myanmar. Larawang kinunan March 3, 2016. (Xinhua/U Aung)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio