|
||||||||
|
||
Yangon, Myanmar—Nakarating nitong Lunes, Pebrero 22, 2016, sa Myanmar ang 1,160 set ng prefabricated house na inabuloy ng Tsina.
Ang nasabing donasyon na nagkakahalaga ng humigit-kumulang 30 milyong Yuan (4.6 na milyong dolyares) ay ikatlong batch ng abuloy ng Tsina para sa mga biktima ng baha na tumama sa Myanmar noong Hulyo, 2015.
Bunsod ng tuluy-tuloy na pag-ulan, 13 sa 14 na lalawigan/estado ng Myanmar ang nasalanta ng baha noong 2015. Humigit-kumulang 250,000 mamamayan ang apektado.
Makaraang maganap ang kalamidad, agarang nagpadala ang Pasuguan ng Tsina sa Myanmar ng unang batch ng materyales na panaklolo sa mga apektadong lugar na gaya ng Sagaing, Rakhine at Magway.
Hand-over ceremony Photo credit: mm.china-embassy.org
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |