Ipinahayag nitong Huwebes, March 3, 2016 ng Nanning Wuxu International Airport na sa taong ito, binabalak nitong magbukas ng mga linya patungo sa lahat ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ang nasabing paliparan ay matatagpuan sa Nanning, kabisera ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa dakong timog-kanluran ng Tsina. Ang Guangxi ay kahangga sa lupa o dagat ng karamihan ng mga bansang ASEAN.
Sa kasalukuyan, maliban sa Brunei, may linya nang papunta sa mga bansang ASEAN ang Nanning Wuxu International Airport, at 27 sa 37 linya ng paliparan ay patungo sa mga kasapi ng ASEAN.
Sinimulan noong Hulyo, 2015 ng PAL Express ang direktang flight mula sa Nanning patungong Cebu city.
Bird's eye view ng Nanning Wuxu International Airport, Guangxi, Tsina (screenshot ng http://www.nnairport.com/)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio