Simula ika-25 ng buwang ito, ang Air Asia ay magsasagawa ng Direktang flight sa pagitan ng Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa dakong timog-kanluran ng Tsina at Pattaya, baybayin-lunsod sa dakong timog ng Thailand.
Ayon kay Patchanee Kithavorn, Consul General ng Thailand sa Nanning, sa kasalukuyan, ang Tsina ay nagsisilbing pinakamalaking pinanggagalingan ng mga turistang dayuhan sa Thailand. Ang Tsina ay ang pinakamalaking trade partner ng Thailand. Ang pagbubukas ng nasabing linyang panghimpapawid ay magpapaginhawa at magpapahigpit ng pagpapalitan ng mga tao ng dalawang bansa.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac