Ayon sa China News Service, ipinahayag kamakailan ni Ahmad Zahid Hamidi, Pangalawang Punong Ministro ng Malaysia, na napigilan kamakailan ng panig pulisya ang plano ng "Islamic State (IS)" na pagdukot sa ilang mataas na opisyal ng bansa na kinabibilangan ni Punong Ministro Najib Tun Razak.
Ipinahayag ni Zahid na napigilan ng panig pulisya ang apat (4) na pananalakay na inilunsad ng armadong tauhan ng IS sa Malaysia. Aniya, bagama't walang sangay ang IS sa Malaysia, naapektuhan ng kaisipan ng teroristikong organisasyon ang ilang mamamayan nito. Sila ay sumusuporta sa ideolohiya ng mga lider ng IS sa Syria at Iraq.
Salin: Li Feng