Ayon sa China News Service, tinukoy sa Kuala Lumpur noong Martes, Enero 12, 2016, ni Khalid Abu Bakar, Inspector-General of Police (IGP) ng Malaysia, na ang pagmomonitor sa internet social media ay nailakip na ng panig pulisya ng Malaysia sa isa sa tatlong (3) pinakamahalagang tungkulin nito sa kasalukuyang taon. Ito aniya ay naglalayong pigilin ang pang-aabuso sa kalayaan ng pagpapahayag sa internet at pagdulot ng problemang panseguridad.
Pagkaraan ng kanyang pagdalo sa pagtitipon ng punong himpilan ng pulis sa Bukit Aman, sinabi ni Khalid Abu Bakar na sa kasalukuyan, nag-bukas ang mga mamamayang Malay ng mahigit 40 milyong account sa "Facebook," at ito ay isang napakalaking social circle. Madalas aniyang inilalabas ng ilang netizens ang di-responsableng pananalita, bagay na posibleng magdulot ng probleme sa seguridad at nasyonalidad. Kaya, isasagawa ng panig pulisya ang pagmomonitor sa mga internet social media na gaya ng "Facebook," "Twitter," at messaging app na "WhatsApp," dagdag niya.
Salin: Li Feng