Ayon sa Xinhua News Agency, sa pulong ng Parliamentong Pederal ngayong araw, Marso 10, 2016, dalawang kandidato sa pagkapangulo ay magkahiwalay na ininominate ng National League for Democracy (NLD) at Union Solidarity and Development Party (USDP) ng Myanmar.
Sa pulong ng mababang kapulungan, magkahiwalay na ininominate ng NLD at USDP sina Htin Kyaw, miyembro ng NLD, at Sai Mauk Kham, kasalukuyang pangalawang pangulo, bilang kandidato sa pagkapangulo.
Sa pulong ng mataas na kapulungan naman, magkahiwalay na ininominate ng NLD at USDP sina Henry Van Htee Yu, mambabatas ng NLD, at Khin Aung Myint, dating ispiker ng mataas na kapulungan, at miyembro ng USDP.
Salin: Li Feng