Ayon sa Xinhua News Agency, magkasunod na nagpulong kahapon, Pebrero 4, 2016, ang Mababang Kapulungan at Mataas na Kapulungan ng bagong Parliamento ng Myanmar. Bukod dito, itinakdang idaos sa darating na Lunes ang unang pulong ng Pederal na Parliamento na binubuo ng naturang dalawang kapulungan.
Sapul noong unang araw ng kasalukuyang buwan, pawang naihalal ang mga ispiker at pangalawang ispiker ng nasabing dalawang kapulungan. Ayon sa konstitusyon ng Myanmar, si Mahn Win Khaing Than, bagong halal na ispiker ng Mataas na Kapulungan, ay awtomatikong naging ispiker ng Pederal na Parliamento ng bansang ito.
Salin: Li Feng