Ayon sa ulat ng Reuters, ipinahayag nitong Miyerkules, Marso 9, 2016, ng isang opisyal ng Thailand na kasalukuyang kinakaharap ng bansa ang pinakagrabeng kakulangan sa yamang-tubig nitong 20 taong nakalipas. Sinimulan nang isagawa aniya ng ilang probinsya ng bansa ang pagsuplay ng tubig sa limitadong oras.
Ipinahayag ni Suthep Noipairoj, Puno ng Royal Irrigation Department (RID) ng Thailand, na kasunod ng pagpasok ng Thailand sa panahon ng tagatuyot, nasa pinakamababang lebel ang water storage ng pinakamalaking reservoir ng bansa sapul noong taong 1994.
Ayon pa sa Ministri ng Agrikultura ng Thailand, mula noong Oktubre, 2015, inilaan ng Pamahalaang Thai ang halos 660 milyong dolyares para tulungan ang mga magsasaka sa pagharap sa krisis ng tagtuyot, at hawakan ng problemang dulot nito.
Salin: Li Feng