Nasalanta kamakailan ang Thailand ng pinakamalubhang tagtuyot nitong nakalipas na 10 taon. Ipinahayag ng pamahalaan ng Bangkok, kabisera ng Thailand, na kung hindi uulan, posibleng maubusan ng suplay ng tap-water ang lunsod sa loob ng isang buwan.
Binabalak ng Kawanihan ng Pangangasiwa sa Tap-Water ng Bangkok na sa darating na 7 taon, ilalaan ang 45 bilyong baht para mapataas ang produksyon at reserba ng tap-water. Sinimulan na ng naturang kawanihan ang pagtalakay hinggil sa pagtaya sa pangangailangan ng tubig, pagtiyak ng pinanggagalingan ng tubig, at pagpigil sa pagpasok ng tubig na pandagat sa reservoir sa darating na 30 taon.
Salin: Vera