Ayon sa Xinhua News Agency, isinapubliko kahapon, Marso 14, 2016, ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD) ang datos na nakasaad na ayon sa inisyal na estadistika, umabot sa 3.2% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan ng G20 noong isang taon. Ngunit, mas mababa ito kumpara sa taong 2014 na naging 3.3%.
Ayon sa OECD, bumaba sa 0.7% ang aktuwal na paglaki ng kabuhayan ng G20 noong ika-4 na kuwarter ng 2015. Ngunit napanatili sa 0.8% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan sa huling dako ng 2014 at maging sa unang tatlong kuwarter ng 2015.
Salin: Li Feng