"Inaasahang bibigyang-priyoridad ng bagong-sibol na pamahalaang Amerikano ang relasyong Sino-Amerikano." Ito ang ipinahayag kahapon, Marso 16, 2016 ni Joseph S. Nye, kilalang dalubhasa ng Amerika sa relasyong pandaigdig, sa kanyang talumpati sa Los Angeles Occidental College hinggil sa patakarang panlabas ng bansa sa hinaharap. Ang tema ng talumpati ni Nye ay "Kapangyarihan ng Amerika at ang Susunod na Presidente." Ipinahayag ni Nye na may komong interes ang Tsina at Amerika sa mga usaping gaya ng pagbabago ng klima, cyber security, paglaban sa terorismo at iba pa. Ipinalalagay niyang kahit kasalukuyang bumaba ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan ng Tsina, hindi mangyayari ang pagkabangkarote nito na ikinababalisa ng mga tao. Ipinahayag din ni Nye ang pag-asang mapapahigpit ng Tsina at Amerika ang mataas na antas ng pagpapalitan para ibayo pang pasulungin ang relasyong Sino-Amerikano.