|
||||||||
|
||
Naiulat na pinatawag nitong Lunes, Marso 21, 2016 ng pamahalaan ng Indonesia ang sugong Tsino na nakatalaga sa Jakarta dahil isang Chinese coast guard vessel ang nakialam sa katubigang Indones sa paghawak sa alitan sa pagitan ng mga mangingisdang Tsino at Indonesian coast guards.
Sa pagtugon sa isyung ito, sinabi ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang nasabing pangyayari ay naganap sa tradisyonal na palaisdaan ng mga mangingisdang Tsino, at ang Chinese fishing vessel ay nagsagawa ng normal na operasyon sa rehiyong ito.
Idinagdag pa ni Hua na noong Marso 19, makaraang manggulo ang isang armadong Indonesian ship sa Chinese fishing vessel, ang nasabing Chinese coast guard ship ay nagbigay-tulong sa Chinese fishing vessel at hindi ito pumasok sa teritoryong pandagat ng Indonesia.
Nitong dalawang araw na nakalipas, sapul nang mangyari ang nasabing insidente, nananatili aniya ang Tsina at Indonesia na may mahigpit na pag-uugnayan para maayos na hawakan ang isyung ito.
Hiniling na aniya ng Tsina sa Indonesia na tiyakin ang kaligtasan ng mga nakaditeneng mangingisdang Tsino at palayain sila kaagad.
Ipinagdiinan ni Hua na ang kooperasyon sa pangingisda ay pangunahing bahagi ng pagtutulungang Tsino-Indones na may mutuwal na kapakinabangan. Naniniwala aniya ang Tsina na mapapasulong ng dalawang bansa ang kanilang kooperasyon sa pangingisda sa paraang konstruktibo.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |