|
||||||||
|
||
Kamakailan, ang tanawin ng isang rape flower field sa Changjiangyu Village ng Nanjing, Lalawigang Jiangsu sa silangang Tsina, ay umakit ng maraming bisita.
Sa tagsibol, di-pambihira ang rape flower sa iba't ibang lugar ng Tsina, bakit katangi-tangi ang nasabing rape flower field? Dahil sa sentro ng nasabing bukirin, makikita ang napakalaking dibuhong may temang "dragon robe." Ang dragon robe ay kasuotan ng emperor noong sinaunang panahon.
Ayon sa salaysay, halos 190 metro ang haba nito, at halos 150 metro ang lapad. Mga 702 hektarya ang lawak ng buong rape flower field.
Sa katunayan, malikhain ang mga Tsino sa pagtatanim ng rape flower. Sa pamamagitan nito nakalikha sila ng iba't ibang magagandang tanawin sa bukirin.
Mga cartoon image sa rape flower field sa Xigao county ng Guanghan City, Lalawigang Sichuan.
Rape flower field sa Chongqing Road ng Congzhou, Lalawigang Sichuan.
Dibuho ng pagtatanim sa isang rape flower field sa Yichang, Lalawigang Hubei.
Rape flower field na may Chinese character "龙" o "dragon" sa Anshun, Lalawigang Guizhou.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |