Sinimulan ngayong umaga ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang biyahe papuntang Czech Republic mula ika-28 hanggang ika-30 ngayong Marso.
Ang biyahe ni Xi ay magsisilbing kauna-unahang dalaw pang-estado ng isang pangulong Tsino sa Czech nitong 67 taong nakalipas, sapul nang itatag ng dalawang bansa ang kanilang relasyong diplomatiko.
Pagkatapos, dadalo si Pangulong Xi sa Ika-4 na Nuclear Security Summit na idaraos sa Washington D.C. Estados Unidos mula ika-31 ng Marso hanggang Abril 1.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio