Sa Prague, kabisera ng Czech Republic-Sa kanyang pakikipag-usap dito, nitong Lunes, Marso 28,2016 kay Pangulo Milos Zeman ng Czech Republic, binigyang-diin ni Pangulo Xi Jinping ng Tsina na nitong mahigit 60 taong nakalipas sapul ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Czech Republic, walang tigil na humihigpit ang mataas na pagpapalitan, umuunlad ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, at nananatiling makulay ang people to people exchanges ng dalawang bansa. Aniya, noong 2015, nilagdaan ng dalawang bansa ang kasunduan hinggil sa pagpapasulong ng "Belt and Road Initiative." Dagdag pa niya, sa harap ng bagong pagsisimula ng kasaysayan, inaasahang isasabalikat ng Tsina at Czech Republic ang responsibilidad para ipagpatuloy at pasulungin pa ang tradisyonal na mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang bansa, para ibayo pang mapasigla ang pagtutulungang ito.
![]( /mmsource/images/2016/03/29/873ac6d0f5cb430fbf760ddf1d6908b3.jpg)
![]( /mmsource/images/2016/03/29/b436ce1fd0314692bd8274ab6b51d1e4.jpg)
![]( /mmsource/images/2016/03/29/b62f09eb854e4034bc0e4191833cd015.jpg)
Sina Chinese President Xi Jinping at Czech President Milos Zeman sa kanilang di-pormal na pagtatagpo sa Lany presidential chateau sa central Bohemia, Czech Republic, March 28, 2016
Ipinahayag naman ni Zeman na mapapasulong ng pagdalaw ng Pangulong Tsino ang pagtitiwalaang pulitikal at pagtutulungan ng dalawang bansa. Aniya, bilang matalik na kaibigan ng Tsina, nakahanda ang Czech Republic na magsikap para pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa, at pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at mga bansang Europeo.
![]( /mmsource/images/2016/03/29/f75ad3e15ed043feb839d2eb12729f28.jpg)
Sina Chinese President Xi Jinping at Czech President Milos Zeman habang magkasamang itinatanim ang isang ginkgo biloba tree na galing sa China, sagisag ng tradisyonal na pagkakaibigan at mayabong na relasyon ng dalawang bansa
Nauna rito, magkasamang nagtanim ang dalawang pangulo ng isang ginkgo biloba tree galing sa Tsina, bilang sagisag ng pangmatagalang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Czech Republic.