Opisyal na naisaoperasyon Marso 28, 2016, ng Trina Solar Limited (TSL) ang sangay nito sa Rayong Industrial Park ng Thailand.
Ipinahayag ni Gao Jifan, Tagapangulo at CEO ng TSL, na ang naturang bahay-kalakal ay gagamit ng mga sulong na teknolohiya ng solar power at mamumuhunan ng halos 200 milyong dolyares sa industriyang ito.
Sinabi ni Vishanu Krua-ngam, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, na ang TSL ay isang malaking bahay-kalakal ng Tsina na may sulong na teknolohiya sa industriya ng solar power at ang naturang pamumuhunan ay makakabuti sa pag-unlad ng industriya ng renewable energy ng Thailand at buong Timog-silangang Asya.