Martes, ika-29 ng Marso 2016, isinumite ng Constitution Drafting Committee (CDC) ng Thailand ang panukalang bagong konstitusyon kay Punong Ministro Prayut Chan-ocha at sa National Peace and Order Maintaining Committee (NPOMC). Idaraos ang pambansang reperendum sa nasabing panukala sa Agosto ng taong ito.
Alang-alang sa kuru-kuro ng iba't ibang panig, dinagdagan ang nasabing panukala ng kabanatang "Pambansang Reporma," batay sa inisiyal na bersyong inilabas noong katapusan ng nagdaang Enero. Ang nilalaman ng reporma sa nasabing karagdagang kabanata ay kinabibilangan ng 7 bahagi: pulitika, administrasyon, lehislasyon, hudikatura, edukasyon, kabuhayan, at iba pa. Ang layunin ng reporma ay para mapangalagaan ang kapayapaan, kaayusan at pagkakaisa, likhain ang may-harmonyang lipunan, mapaliit ang agwat sa pagitan ng mga mahihirap at mayayaman, at mapasigla ang pakikisangkot ng mga mamamayan sa pag-unlad ng bansa at proseso ng demokrasya.
Salin: Vera