Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ama ng Hybrid Rice ng Tsina, inanyayahan ng Biyetnam para sa pagtatanim ng palay sa lupang may taas na salinity

(GMT+08:00) 2016-04-01 14:54:11       CRI

Hunan, lalawigan sa dakong gitna ng Tsina—Ipinaabot nitong Huwebes, March 31, 2016, ni Vu Tien Dung, Pangalawang Puno ng Pasuguan ng Biyentnam sa Tsina ang imbitasyon kay Professor Yuan Longping, academician ng Chinese Academy of Engineering para tulungan ang Biyetnam na lutasin ang problema sa pagtatanim ng palay sa lupang may taas na salinity.

Si Prof. Yuan Longping sa palayan (file photo)

Si Prof. Yuan, na tinaguriang father of hybrid rice ng Tsina ay nakabase sa China National Hybrid Rice Research and Development Center sa Hunan.

Sinabi ni Vu Tien Dung na mula katapusan ng 2015 hanggang sa kasalukuyan, maraming lugar sa Biyetnam ang dumaranas ng tagtuyot at kasabay nito, pumasok din ang tubig-dagat sa palayan ng ilang lalawigan ng bansa. Aniya pa, nakakaapekto ito sa produksyon ng bigas ng bansa. Umaasa aniya siyang makakabisita si Professor Yuan at ibang dalubhasang Tsino para tulungan ang Biyetnam sa pagdedebelop ng uri ng hybrid rice na maaaring itanim sa lupang may taas na salinity.

Si Prof. Yuan Long Ping ay kinikilala bilang isang mahalagang kayamanang-bayan sa Tsina at sa buong mundo dahil sa pagdiskubre niya kung paano magpalago ng hybrid rice. Dahil sa kanyang pananaliksik tumaas ang antas ng ani ng bigas sa buong Tsina.

Ang Pilipinas ang unang bansang dayunan kung saan ipinamahagi ni Professor Yuan ang kaalaman tungkol sa pagpapadami ng hybrid rice.

Sa kasalukuyan, ilampung bansa sa daigdig ngayon ang nag-aaral at nagtatanim ng hybrid rice at nakakatulong ito sa paglutas ng isyu ng kagutuman.

Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
hybrid rice
v Bigo ang pamahalaan sa rice self-sufficiency program 2015-10-12 17:25:56
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>