Sa Zhangjiajie, isang kilalang lugar na panturista sa Lalawigang Hunan ng Tsina, maaaring makita ang mahigit 30 uri ng makukulay na tulip na nakatanim sa mahigit 6600 metro kuwadradong lupain.
Abril 10, 2016, binuksan ang pagtatanghal ng mga tulip sa Baiguoyuan Garden ng Laodaowan scenic spot, Zhangjiajie. Samantala, kasabay ring idinaraos doon ang photo contest na may temang "Pinakamagandang Fairy ng mga Tulip."
Ito ang kauna-unahang pagkakataong idinaraos ng Laodaowan scenic spot ang pagtatangghal ng tulip, at ayon sa namamahalang tauhan ng scenic spot, taun-taon nang gagawin ang ganitong pagtatanghal. Ang mga tulip ay namumulaklak sa tagsibol. Pagkatapos ng tagsibol, itatanimin naman ang iba pang uri ng bulaklak, at makikita sa lugar na ito ang iba't ibang uri ng mga bulaklak sa bawat panahon.
Sa Laodaowan resort, maaaring tumira ang mga turista sa mga hotel na may iba't ibang katangian. Halimbawa, mga maliit na bahay na itinatayo sa puno, mga caravan, mga container at iba pa.
salin:wle