SA likod ng pagsasagawa ng joint military exercises ng Armed Forces of the Philippines at ng mga kawal ng Estados Unidos, may 18 mga kawal ang nasawi sa pakikipagsagupaan sa may 120 mga rebeldeng kabilang sa Abu Sayyaf sa Tipo-tipo, Basilan noong Sabado. May anim na kawal na malubhang nasugatan sa sagupaan at ngayo'y ginagamot na sa Zamboanga City.
Ayon sa ulat ng Armed Forces of the Philippines, nagpapatrolya ang mga kawal sa isang liblib na barangay ng masagupa ang mga (120 katao) armadong kinabibilangan ng isang taga-Morocco na nagtuturo sa mga Abu Sayyaf ng paggawa ng improvised explosive devices. Isa rin umanong mangangaral ng kahalagahan ng Jihad si Mohammad Khattab.
Nagtungo sa Zamboanga City sina Defense Secretary Voltaire Gazmin at AFP Chief of Staff General Hernando Iriberri kahapon at nagsabing tuloy ang kampanya laban sa mga armadong grupo ng Abu Sayyaf.