INATASAN ni General Gregorio Pio P. Catapang, Jr. ang walang humpay na paghahanap sa mga kasapi ng Abu Sayyaf sa Basilan at Sulu.
Layunin ni General Catapang na gamitan ng military at non-military approaches ang problemang dulot ng mga terorista. Anang heneral, hindi pawang military operation ang gagawin subalit tutugisin ang mga armado sa kagubatan samantalang isang grupo ng mga kawal ang makikipagtulungan sa pamahalaang-lokal at non-government organizations sa pagtugon sa mga problema ng mga komunidad. Pinag-aaralan pa niya kung magpapadala pa ng dagdag ng mga kawal upang matapos na ang pananalasa ng Abu Sayyaf sa Sulu at Basilan.
Kinilala na ni Colonel Alan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu ang mga nasawi sa mga pangalang Cpl. Lonell Bautista, 35 taong gulang na Emilio Aguinaldo, Cavite at Private First Class Ervin Roquero, 23 ng Kabankalan City, Negros Occidental.
May 16 na iba pang mga kawal ang nasugatan ng shrapnel mula sa isang 40 mm sa pagpapatuloy ng labanan. Nasugatan sina 1Lt. Ramsel Dugan at 2Lt. Bernard Mabazza. Ligtas na umano ang mga nasugatan.