Kaugnay ng pagpapadala ng Pilipinas ng mga materiyal sa Zhongye Island ng South China Sea para isagawa ang pagkumpuni ng paliparang militar doon, ipinahayag nitong Martes, April 12, 2016, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinimok ng panig Tsino ang Pilipinas na itigil ang lahat ng mga aksyon na lumalabag sa soberanya at teritoryo ng Tsina at panumbalikin ang tamang landas sa paglutas ng mga hidwaan sa pamamagitan ng direktang bilateral na talastasan.
Sinabi ni Lu na ang Zhongye Islands ay isa sa mga isla ng South China Sea na kabilang sa teritoryo ng Tsina. Noong 1970s, iligal na sinakop ng Pilipinas ang mga isla ng Nansha Islands ng Tsina na kinabibilangan ng naturang isla. Ito aniya ay lumabag sa pundamental na prinsipyo ng UN Charter at ibang mga pandaigdigang batas.
Sinabi pa ni Lu na ang aksyon ng Pilipinas ay nagpapakita na panlilinlang ang pananalita ng Pilipinas noong dati na itigil ang konstruksyon sa Zhongye Island. Dagdag pa ni Lu na ito rin ay nagpapakita na ang pagharap ng arbitrasyon ng Pilipinas ay isang probokasyong pulitikal.
Bukod dito, sinabi ni Lu na sa kasalukuyan, buong sikap na isinasakatuparan ng Tsina, at karamihan ng mga bansang ASEAN, ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), at aktibong pinapasulong ang Code of Conduct in the South China Sea (COC) para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan sa rehiyong ito.