Sa panahon ng 2016 taunang pulong ng Boao Forum for Asia, sa Hainan, Tsina, idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-25 ng Marso 2016, ang isang pandaigdig na symposium hinggil sa isyu ng South China Sea, na nilahukan ng mga iskolar ng mahigit sa 10 bansa.
Sa kanyang talumpati sa symposium, ipinahayag ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea ay komong interes ng iba't ibang bansa sa paligid ng karagatang ito, at mga bansang nagkakaroon ng nabigasyon dito.
Sinabi niyang ang mapayapang paglutas sa mga hidwaan sa South China Sea sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian ng mga bansang may direktang kinalaman ay saligang solusyon sa isyung ito. Ito aniya ay nagpapakita ng sariling hangarin at pagkakapantay-pantay sa soberanya ng mga may kinalamang bansa. Dagdag pa ni Liu, ito ay pagsunod sa mga pandaigdig na batas at norma sa relasyong pandaigdig. Ito ay rin pangako ng Tsina at mga bansang ASEAN sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, aniya pa.
Salin: Liu Kai