Ipininid nitong Biyernes, Abril 15, 2016, sa Washington D.C. ang pulong ng mga Ministrong Pinansiyal at Gobernador ng Bangko Sentral ng G20.
Sa naturang pulong, tinalakay ng mga kalahok ang 12 pangunahing isyu na kinabibilangan ng kalagayan ng kabuhayang pandaigdig, balangkas ng malakas at sustenableng paglaki ng kabuhayan, pandaigdigang sistemang pinansiyal, pamumuhunan at konstruksyon ng imprastruktura, reporma sa departamentong pinansiyal, international tax, pagbabago ng klima, green finance, at paglaban sa terorismo.
Sinabi ni Lou Jiwei, Ministro ng Pananalapi ng Tsina, na ang pulong na ito ay magandang paghahanda para sa mga patakarang pinansiyal at pangkabuhayan na tatalakayin sa gaganaping G20 Summit sa darating na Setyembre sa Hangzhou ng Tsina.
Bukod dito, inilahad ni Lou ang kalagayan ng reporma sa kabuhayang Tsino. Sinabi niyang natamo ng Tsina ang malaking progreso sa reporma sa estrukturang pangkabuhayan at pinabuti ang sistema ng pagbabahaginan ng mga yamang panlipunan.
Dagdag pa niya, sa susunod na yugto, isasagawa ng Tsina ang reporma sa buwis ng konsumo para pasiglahin ang pamilihan.
Si Lou Jiwei, Ministro ng Pananalapi ng Tsina.