Kuala Lumpur, Malaysia—Linggo, ika-17 ng Abril 2016, ipinahayag dito ni Hishammuddin Hussein, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Malaysia, na makikipagkooperasyon ang kanyang bansa sa Pilipinas, Brunei, at Indonesia para isagawa ang magkakasanib na pamamatrolya sa rehiyong pandagat ng Sulu. Aniya, ito ay para mabigyang-dagok ang walang tigil na kaso ng pangingidnap, at mapataas ang kaligtasan ng nasabing rehiyong pandagat.
Winika niya ito habang naglalakbay-suri sa Eksibisyon ng Serbisyong Pandepensa ng Asya sa taong 2016. Tinukoy niyang maaaring malutas ng ganitong magkakasanib na pamamatrolya ang kakulangan ng iba't ibang bansa sa aspekto ng sandata, at mas mainam na mabigyang-dagok ang mga terorista sa rehiyong ito. Ang pagpapalakas ng pamamatrolya sa rehiyong pandagat sa pamamagitan ng transnasyonal na kooperasyon ay minimithing plano sa pangangalaga sa seguridad ng rehiyong pandagat, dagdag pa niya.
Salin: Vera