Ipinaabot noong nagdaang Lunes ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pakikiramay kay Emperador Akihito ng Hapon matapos maganap ang malakas na lindol sa Kumamoto, Hapon noong April 16.
Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinahayag ni Xi ang pakikidalamhati sa mga biktima, taos pusong pakikiramay sa mga nasugatan at kapamilya ng mga biktima. Umaasa aniya siyang mapapapagtagumpayan ng mga mamamayan ng Hapon ang kalamidad at muling maitatayo ang kanilang mga tahanan sa lalong madaling panahon.
Salin: Andrea