Ipinaabot noong nagdaang Lunes ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pakikiramay kay Pangulong Rafael Correa Delgado ng Ecuador matapos maganap ang malakas na lindol sa bansa noong April 16.
Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, at kanyang sarili, ipinahayag ni Xi ang pakikidalamhati sa mga biktima, taos pusong pakikiramay sa mga nasugatan at kapamilya ng mga biktima. Nananalig aniya siyang sa ilalim ng pamumuno ng pangulo at pamahalaan ng Ecuador, tiyak na mapapagtagumpayan ng mga mamamayan ng Ecuador ang kalamidad at muling maitatayo ang kanilang mga tahanan.
Salin: Andrea