Kaugnay ng ilegal na pagpasok ng USS Lawrence destroyer ng Amerika sa loob ng 12 nautical miles ng Yongshu Reef ng Tsina sa South China Sea kahapon, Mayo 10, ipinahayag ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulan-bansa ng Tsina, ng araw ding iyon na ang aksyong ito ay malubhang probokasyon sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea (SCS).
Tinukoy ni Yang na pahihigpitin ng panig Tsino ang pamamatrolya sa SCS at mga konstruksyong pandepensa para pangalagaan ang pambansang katiwasayan at soberanya, at katatagan at kapayapaan ng SCS.
Ipinahayag naman ni Yang na ang aksyon ng panig Amerikano ay nagpapakita na makatwirian at kinakailangan ang mga konstruksyong pandepensa ng panig Tsino sa mga reef at isla sa SCS.
Bukod dito, inilahad ni Yang ang mga katugong hakbangin sa iligal na pagpasok ng bapor na pandigma ng Amerika sa SCS. Ayon sa kanya, naipadala ng Tsina ang dalawang J-11fighter jet, isang Y-8 Air Early Warning at tatlong bapor na pandigma para isagawa ang pagmomonitor, pagsunod, at pagbabala sa naturang bapor na Amerikano.