Inilabas ng Bangkok Bank, kasama ng Thai Payment Network (TPN) at China UnionPay International ang Be1st Smart TPN-UnionPay card. Ito ang unang debit card na inilabas sa Thailand batay sa lokal na card scheme.
Ayon sa Bangkok Bank, ang nasabing kard na gamit ang teknolohiya ng UnionPay ay may pinakamataas na seguridad ng chip technology at 6-digit PIN.
Ang nasabing TPN-UnionPay card ay maaaring gamitin sa cash withdrawals, fund transfers at ibang transaksyon sa ATMs at pagbabayad sa mahigit 150 bansa na may UnionPay transaction network.
Noong Pebrero, 2016, magkakasamang ipinatalastas ng UnionPay International ng Tsina at 4 na pinakamalaking bangkong komersiyal ng Thailand na kinabibilangan ng Bangkok Bank, ang pormal na pagsasa-operasyon ng Thai Payment Network (TPN) na itinatag batay sa istandard na teknolohiya ng UnionPay.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio