Bangkok, Thailand—Magkakasamang ipinatalastas dito noong Miyerkules, ika-24 ng Pebrero 2016, ng UnionPay International ng Tsina at 4 na pinakamalaking bangkong komersiyal ng Thailand, ang pormal na pagsasa-operasyon ng Thai Payment Network (TPN) na itinatag batay sa istandard na teknik ng UnionPay.
Noong Setyembre, 2014, magkasamang itinayo ng UnionPay International at Bangkok Bank Public Company Limited ang TPN Joint Venture.
Napag-alamang mag-iisyu ang nasabing joint venture ng debit card na may sariling tatak na "TPN," mula Mayo ng taong ito. Tinayang 3 hanggang 5 milyong debit cart ang ii-isyu sa unang taon.
Salin: Vera