Sa talumpati sa seremonya ng inagurasyon ng Embahada ng Islamic Federal Republic of Comoros sa Kuwait, ipinahayag nitong Linggo, Mayo 15, 2016 ni Khaled Al Jarallah, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Kuwait ang suporta sa paninindigan ng Doha Declaration na isinapubliko noong Mayo 12 sa 7th Ministerial Meeting na nakapaloob sa Porum na Pangkooperasyon ng Tsina at Aprika. Ang nasabing deklarasyon ay may-kinalaman sa isyu ng South China Sea.
Ipinalalagay aniya ng Kuwait na nagsisikap ang Tsina para lutasin, kasama ng mga may-kinalamang bansa ang isyu ng South China Sea, alinsunod sa Karta ng UN at UN Convention on the Law of the Sea.
Ayon sa nasabing deklarasyon, ipinahayag ng mga bansang Arabe na positibo sila sa pagsisikap ng Tsina para malutas ang isyu ng South China Sea, batay sa mapagkaibigang diyalogo. Anito pa, dapat igalang ng komunidad ng daigdig ang karapatan ng mga soberanong bansa at signataryo ng UN Convention on the Law of the Sea, sa nagsasariling pagpili ng paraan para malutas ang mga alitan.