Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, nagpalabas kahapon ng pahayag si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng United Nations (UN) bilang matinding kondemnasyon sa mga naganap na pang-aatakeng teroristiko sa Tunisia, Kuwait at Pransya.
Sa atakeng teroristiko kahapon sa isang hotel sa Sousse, lunsod na panturista sa Tunisia, di-kukulangin sa 37 ang namatay at 36 ang nasugatan. Sa aksidente ng pambobomba sa isang moske sa Kuwait, 27 katao ang nasawi at mahigit 220 ang nasugatan. Sa isang atake naman sa Isère, lalawigan sa dakong silangan ng Pransiya, isa katao ang namatay at ilan ang nasugatan.
Ipinagdiinan ni Ban na ang nasabing mga atakeng teroristiko ay hindi magpapahina ng resolusyon ng komunidad ng daigdig sa pagbibigay-dagok sa terorismo, sa halip, magpapasulong ito sa pagtupad ng UN sa pangako nito sa pagbibigay-suporta sa pakikibaka laban sa mga may kasalanan sa pagpatay sa kapuwa tao, at pagsira sa kaunlaran at sibilisasyon ng sangkatauhan.
Nagpahayag din ng pagbatikos sa nasabing mga pang-aatake ang UN Security Council.
Salin: Jade