Nay Pyi Taw, Myanmar---Itinayo Lunes, Mayo 16, 2016 ni Aung San Suu Kyi, Pambansang Tagapayo at Ministrong Panlabas ng Myanmar ang "Sentro ng Pambansang Rekonsilyasyon at Kapayapaan" at idinaos ang ika-2 pulong ng pagsasangunian hinggil sa paghahanda sa "21st Century Panglong Comention."
Ipinahayag ni Suu Kyi na ang "Sentro ng Pambansang Rekonsilyasyon at Kapayapaan" ay makikipag-usap sa mga armadong grupo ng mga ethnic minority.
Ang "Panglong Meeting" ay idinaos noong 1947 sa Bayan ng Panglong sa dakong hilaga ng Myanmar. Nilagdaan dito ang "Panglong Agreement" ng mga lider ng ethnic group ng Burma, Shan, Kachin at Chin. Ayon sa kasunduang ito, itinayo ang "Union of Myanmar."
salin:wle