Sinabi nitong Lunes, May 9, 2016 ni Aung San Suu Kyi, pambansang tagapayo ng Myanmar na dapat palakasin ang "inclusiveness" sa pambansang rekonsilyasyon at prosesong pangkapayapaan ng Myanmar.
Nang araw ring iyon, sa isang pulong ng pagkokoordina, sinabi ni Aung San Su Kyi na dapat lumahok sa prosesong pangkayapaan ng Myanmar ang lahat ng may kinalamang personahe.
Noong Abril 27, ipinahayag ni Aung San Suu Kyi na dapat idaos ang isang pulong tulad ng Panglong Conference sa lalong madaling panahon para matupad ang pangmatagalang kapayapaan at makinabang ang mga mamamayan. Samantala, nanawagan pa siya na sumapi sa kasunduan ng tigil-putukan ang mas maraming sandatahang lakas ng pambansang minorya at lumahok sa prosesong pangkayapaan.
Ang Panglong Conference ay idinaos sa bayang Panglong sa gawing hilaga ng Myanmar noong Pebrero ng 1947 at sa Panglong Agreement na magkasamang nilagdaan ng mga nasyonalidad ng Burma, Shan, Kachin at Chin sa pulong, sumang-ayon ang mga kalahok na itatag ang nagkakaisang pederal na bansa at alisin ang paghaharing kolonyal ng UK.
Sapul nang magsarili ang Myanmar noong Enero, 1948, nananatiling umiiral ang ilampung sandatahang lakas ng pambansang minorya at hindi narating ang ganap na kasunduan ng tigil-putukan. Noong Enero ng taong ito, idinaos ng Myanmar ang kauna-unahang pambansang diyalogong pangkayapaan, bagama't hindi narating ang anumang kasunduan, ito ay naging bagong simula ng diyalogo sa pagitan ng iba't ibang paksyon.