Ipinahayag ng Tsina na hindi totoo ang nilalaman ng ulat ng Kagawaran ng Depensa ng Amerika hinggil sa gawing militar at seguridad ng Tsina para sa taong 2016.
Ipinahayag ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang-bansa ng Tsina nitong nagdaang Sabado na taliwas sa katotohanan ang batikos ng Kagawaran ng Depensa sa di-umano'y banta mula sa Tsina, at di-transparent na militar na Tsino. Hindi rin totoo aniya ang komento ng Amerika hinggil sa repormang militar ng Tsina, patakaran ng Tsina sa isyu ng Taiwan, isyu ng East China Sea at isyu ng South China Sea.
Ipinagdiinan ni Yang na pinapatupad ng Tsina ang depensibong patakarang pandepensa. Dagdag pa niya, nitong ilang taong nakalipas, upang isabalikat ang responsibilidad bilang miyembro ng komunidad ng daigdig, nagpapaibayo ang Tsina ng pagkokomboy, misyong pamayapa at pagliligtas at paghahanap sa ibayong dagat.
Ipinaghayag din ng tagapagsalitang Tsino na ang nasabing taunang ulat ng Kagawaran ng Ministri ng Depensa na isinumite sa Kongreso ay nakakapinsala sa pagtitiwalaan sa pagitan ng dalawang hukbo at dalawang bansa.