Pagkatapos ng pulong ng mga ministrong panlabas ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), inilabas nitong Martes, Mayo 24, 2016, ni Rashid Alimov, Pangkalahatang Kalihim ng SCO, ang isang pahayag hinggil sa isyu ng South China Sea (SCS).
Anang pahayag, naiintindihan at sinusuportahan ng SCO ang pagsisikap ng Tsina para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyon ng SCS. Kinakatigan din nito ang mga bansa ng rehiyong ito para pasulungin ang mapagkaibigan, mapayapa at maharmonyang atmospera ng SCS.
Ayon sa naturang pahayag, kinakatigan ng SCO ang mapayapang paglutas ng mga kasangkot na bansa sa mga hidwaan batay sa bilateral na kasunduan at Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC). Samantala, mariing tinututulan nito ang pakiki-alam ng mga bansa sa labas ng rehiyon ng SCS sa isyung ito.