Sa isang simposyum na idinaos kamakalawa ng Australia-China Relations Institute (ACRI), ipinahayag ni Bob Carr, Puno ng ACRI at dating Ministrong Panlabas ng Australia, na hindi dapat lahukan ng Australia ang paglalayag ng Amerika sa South China Sea (SCS), dahil nakataya dito ang pagkapinsala sa relasyon ng Australia at Tsina.
Iminungkahi kamakailan ng ilang iskolar ng Australia na sa isyu ng pakikilahok sa paglalayag ng Amerika sa SCS, dapat mag-step-back ang Australia para maiwasan ang pagiging "puppet" ng Estados Unidos.
Salin: Li Feng