"Sa palagay ng ilang tao medyo mabigat at troublesome ang aking 10 kilong baro, pero ang lahat ng mga jewelry ay namana mula sa aking nanay at lola, at kinakatawan nito ang kultura ng aking nasyonanalidad na Yugur at gustong gustong iginigiit ito. "Sinabi ito ni Naoer Jisi, isang Yugur galing sa Probinsyang Gansu.
Ang Yugur ay isang pambansang minoryang groupo na naninirahan sa probinsyang Gansu sa dakong Hilagang Kanluran ng Tsina at ayon sa estadistika ng 2010, umabot sa 14,378 lamang ang kabuuang bilang nito. Mayroon silang sariling wika, pero walang titik at dahil sa espesyal na kasaysayan ng migrasyon at cultural background, unti-unting nawawala ang mga tangible or intangible cultural relics ng mga Yugur.
Pero, ang kanilang mga baro ay namana sa hene-henerasyon. Kapag isinilang ang isang babae, sinisimulan ang paghahanda ng isang pamilya para sa baro ng isang babae, bumibili ng materyal para sa isang okasyon at pumili ng tela sa susunod na taon para idagdag ang disenyo. Magkaiba ang kanilang baro bago at pagkaraan ng kasal, sa karaniwan, ang isang wedding dress ay inaabot ng maraming taon na paghahanda, at ito ay hindi isang gift ng mga magulang sa kanilang anak na babae kundi simbolo ng yaman ng isang pamilya.