|
||||||||
|
||
Sinimulan nitong Linggo, ika-15 ng Mayo, 2016 ang operasyon ng daambakal sa pagitan ng Beijing at Dunhuang. Ito ang kauna-unahang pagkakataong sinimulan ang direktang linya ng tren sa pagitan ng Beijing at Dunhuang, isang kilalang lugar na panturista sa dakong kanluran ng Tsina.
Ang Dunhuang ay nasa lalawigang Gansu sa dakong kanluran ng Tsina. Ito ay kilala dahil sa Mogao Grottoes, ang pinakamalaking yamang ng sining ng buddhismo sa daigdig. Ang Dunhuang ay nasa sentro ng "Silk Road" noong sinaunang panahon at dito naghalo ang kulturang silangan at kanluran. Noong panahon ng sinaunang Silk Road, malago ang kalakalan at makikita sa lahat ng dako ang mga templo't monasteryo. Isa itong napakaunlad na lunsod.
Alas onse kuwareta (11:40 pm), lilisan ang tren na may numero K41 mula sa Beijing at pagkaraan ng 38 oras at 40 minuto, darating ito sa Dunhuang. Ang kabuuang haba ng daambakal ay 2,422km, at dumaraan ito sa mga istasyon ng Yinchuan, Zhongwei, Zhangye, at Jiayuguan; ang mga ito rin ay kilalang lugar na panturista. Ang tiket mula Beijing hanggang sa Dunhuang ay mula 273.5 yuan hanggang 734.5 yuan RMB, depende sa klase.
Makikita sa mga tren ang mga palamuti at larawan na may katangian ng kultura ng Dunhuan at Mogao Grottoes. Dito, hindi lamang malalaman ng mga pasahero ang mga kuwento at kasaysayan ng Dunhuang, kundi maaari rin silang makatikim ng mga tsibog ng Dunhuang.
salin:Wle
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |