Isang kakaibang pampasaherong bus, kung saan puwedeng dumaan ang mga sasakyan sa ilalim nito, paraang gumagalaw na tunnel ang nakatakdang isaoperasyon sa Qinhuangdao, probinsyang Hebei, Tsina sa darating na Agosto.
Ito ang kauna-unahang bus na may ganitong disenyo.
Ang nasabing napakalaking double-decker na bagong sasakyan ay pinangalanang Transit Elevated Bus(TEB). Ayon kay Song Youzhou, Chief Engineer ng TEB Technology Development, mapapahupa nito ang kasalukuyang traffic congestion sa kalunsuran at ang mga sasakyan na hindi lalampas sa 2 metro ang taas ay puwedeng dumaan sa ilalim nito.
Bukod dito, ipinahayag ni Song na ang isang 54 metrong haba, 4.5 hanggang 4.7 metrong taas at 7.8 metrong lawak na four-car TEB ay puwedeng maghatid ng 1200-1400 na pasahero na mas mabisa kumpara sa tradisyonal na bus.