|
||||||||
|
||
Sa kaniyang artikulo na inilabas sa bloomberg.com, tinukoy ni Cui na kahit nananatili pa rin ang mga hidwaan sa pagitan ng Tsina at Amerika, mayroon ding malawak na komong kapakanan ang dalawang bansa na gaya ng pagpapanaliting matatag at mapayapa ng rehiyon ng SCS, pagsuporta sa kalayaan ng paglalayag at paglilipad batay sa pandaigdigang batas, at paglutas ng mga hidwaan sa pamamagitan ng mapayapang talastasan at diplomatikong diyalogo.
Dagdag pa niya, malaki ang nakatagong lakas ng dalawang bansa sa mga kooperasyon sa rehiyong ito.
Sinabi ni Cui na ang esensya ng isyu ng SCC ay hidwaan ng teritoryo at ang mga aksyon ng Tsina ay naglalayong pangalagaan ang pangmatagalan at legal na paninindigan sa teritoryo at karapatang pandagat.
Aniya pa, iginagalang ng panig Tsino ang impluwensya at kapakanan ng Amerika sa rehiyong Asya-Pasipiko, at nakahandang balangkasin, kasama ng mga bansang ASEAN ang Code of Conduct ng SCS.
Dagdag pa niya, mali ang pagkakaintindi ng panig Amerikano sa mga aksyon at paninindigang Tsino sa isyung ito
Kaugnay ng kasong arbitrasyon na iniharap ng Pilipinas, sinabi ni Cui na ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ay hindi dapat pagbatayan ng nasabing kasong may kinalaman sa teritoryo at soberanya. Kaya hindi lalahok at tatanggapin ng Tsina ang arbitrasyong ito batay sa mga tadhana ng UNCLOS.
Sinabi pa ni Cui na nagtangkang gamitin ng Amerika ang UNCLOS bilang pagpuna sa Tsina, pero tinanggihan ng bansang ito ang pagpapatibay ng nasabing kasunduan.
Narito ang buong artikulo ni Cui
http://www.bloomberg.com/view/articles/2016-06-01/how-to-bridge-the-divide-over-the-south-china-sea
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |