|
||||||||
|
||
Larawan ng karagatang malapit sa Zhaoshu Island sa South China Sea (kinuha noong Dec. 11, 2015)
Ipinalabas ngayong araw, Miyerkules, Hunyo Uno 2016, ng China Fisheries Association (CFA) ang pahayag hinggil sa South China Sea arbitration na unilateral na iniharap ng Pilipinas.
Anang pahayag, ang karagatang binanggit sa naturang arbitrasyon ay tradisyonal na pangisdaan, na inaasahan ng mga mangingisdang Tsino para sa kanilang pamumuhay sa hene-henerasyon. Ang resulta ng arbitrasyon ay posibleng makapinsala sa lehitimong karapatan ng milyun-milyong mangingisdang Tsino sa South China Sea, at magdudulot ng grabeng epekto sa kanilang pamumuhay. Bilang samahang nangangalaga sa mga karapatan at kapakanan ng mga mangingisdang Tsino, binigyan ng CFA ng malaking pansin ang naturang arbitrasyon, at ipinahayag nito ang hindi pagtanggap o pagkilala sa anumang aksyong lumalapastangan sa yamang pangisda ng Tsina at interes ng mga mangingisdang Tsino.
Ipinahayag din ng CFA ang pagkatig sa paninindigan ng pamahalaang Tsino sa South China Sea arbitration. Anito pa, walang karapatan ang anumang bansa, organisasyon, o indibiduwal, na ipagkaila ang soberanya sa teritoryo ng Tsina sa South China Sea, at mga karapatang pandagat na kinabibilangan ng karapatan sa pangingisda ng mga mangingisdang Tsino.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |